TV RATINGS - ABS CBN 2 NUMBER 1 NATION WIDE
cybermyx
Abante
ABS-CBN, #1 TV station sa buong bansa
Mula Marso 4 hanggang Marso 17, 2007, ipinakita ng NATIONWIDE TV
ratings data mula sa
AGB-Nielsen Media Research Philippines na ang ABS-CBN ang
nangu-ngunang istasyon sa buong
bansa.
Sa pangkalahatan, nakakuha ang ABS-CBN ng 47% shares, laban sa 35% na
nakuha ng GMA-7.
Labinlima (15) sa na-ngungunang dalawampung (20) programang pinapanood
ng BUONG BANSA ay
mga programa ng ABS-CBN.
Pinakamataas ang rating ng teleseryeng Sana Maulit Muli, na sinusundan
ng Maging Sino Ka
Man at Maria Flordeluna.
Karamihan sa mga Pilipino ay sa ABS-CBN nakatutok kung News and
Current Affairs programs
ang hanap nila. Ang TV Patrol World ang nangungunang news program sa
bansa, at ang XXX:
Exklusibong, Explosibong Expose at Ra-ted K ang mga nangunguna sa mga
current affairs
programs.
Ang Wowowee ang naghaharing programa sa pananghalian.
Nakasaad din sa listahan ang pagdomina ng mga Kapamilya programs sa
iba't ibang genre sa
telebisyon. John En Shirley at Goin' Bulilit ang nangunguna sa mga
comedy shows, Sharon sa
mga talk show, at ang Pinoy Big Brother Season 2 ang nangungunang
reality show sa bansa
No comments:
Post a Comment