Pages

Thursday, November 04, 2010

Never Too LATE, Tumatanda Ka Na... nice read from my email...

 

Tumatanda ka na, tol.


Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong
kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.

Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.

Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol
noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.

Parangbotika na ang cabinet mo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal
jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.

Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga
kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya
ninyo.

Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema
ka.

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo
kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.

Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera
at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder".

Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa
pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.

Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun.

Alipin ka ng Midnight Madness.

Alipin ka ng tollgate sa expressway.

Alipin ka ng credit card mo.

Alipin ka ng ATM.

Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instantpancit canton.

Ngayon, dapatmay kasamang italian chicken ang fettucine alfredomo.

Masaya ka na noon pagnakakapag-

ober-da-bakod kayo para makapagswimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera anglugar.

Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.

Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa
income mo.

Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas
ang sweldo mo.

Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.

Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta?

Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.

Hanapin mo ang dahilan kung bakit
nilagay ka rito.

Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang
maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.

Lumingon ka kung paano ka nagsimula,
isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.

Posted via email from Everyday little thoughts, whatever comes to my mind!

No comments:

  We are selling a wide variety of Digital Products exclusive for PHILIPPINE MARKET ONLY. From prepaid mobile credits, satellite TV pins, ga...

Helping People Become Rich! Have Financial Freedom!

Helping People Become Rich! Have Financial Freedom!
Join Truly Rich Club by Bo Sanchez